Posts

Showing posts from October, 2024

Laughing emoji - natatawa o nang-aasar?

Image
LAUGHING EMOJI - NATATAWA O NANG-AASAR? pag nakakita ako ng  laughing emoji sa pesbuk at sa di nakakatawang entri ang  HaHa  ay mapang-asar at mapanlait minsan, laughing emoji ay nakagagalit ang  HaHa  ay komento kapag natatawa at pag seryosong isyu, di dapat matawa bagamat meron kang sariling kuro-kuro gamitin ang wastong emoji sa komento may emoji sa  Like, Love, Care, Wow, Angry,  at  Sad ngunit komento'y dapat alam pag nilahad di  laughing emoji  sa seryosong usapin paano kung mang-asar ang iyong layunin? ang emoji ay ilagay natin ng tama na di maaasar ang karaniwang madla kung entri ay comedy,  Haha  ang emoji ngunit tayo'y malaya sa nais masabi - gregoriovbituinjr. 10.22.2024 * ang litrato'y nakita lang sa isang entri sa pesbuk

Suplado, bumait upang manalo?

Image
SUPLADO, BUMAIT UPANG MANALO? sa partylist daw kumandidato ang mabait na dati'y suplado bumait dahil nais manalo upang makaupo sa Kongreso sino kayang pinatutungkulan? sino yaong pinatatamaan? mapanuri ang nasa komiks man punto niya'y dapat lang pakinggan nagkokomiks ay parang makata na dinadaan sa talinghaga o kaya ay blind item, ika nga ngunit sa mambabasa'y balita kumandidato'y nuknok ng sungit ngunit ngayon ay biglang bumait nagbulgar pa'y komiks na makulit na pag magsuri'y sadyang kaylupit - gregoriovbituinjr. 10.21.2024 * komiks mula sa pahayagang Bulgar, Oktubre 20, 2024, pahina 5