Noli Me "Tangina"
NOLI ME "TANGINA" si Rizal daw ang idolo ng ama na hilig magtungayaw o magmura inakda raw ay Noli Me "Tangina" komiks na patama, kunwari'y kwela sa biro, ako na lang ay natawa iba rin talaga si Al Pedroche na sinulat ay iba't ibang siste nasa diwa'y gagawan ng diskarte lalo't pasasaringan ay salbahe isusulat anuman ang mangyari meron bang El "Filibustanginamo" sunod sa Noli Me "Tangina" nito kawawa naman ang akda ni Lolo Pepe dahil sa biruang ganito - gregoriovbituinjr. 04.01.2025 * tula batay sa komiks sa unang pahina ng Pilipino Star Ngayon, Marso 31, 2025