Bastos na kandidato sia
BASTOS NA KANDIDATO SIA may bastos na kandidato na ngayon ay tumatakbo na vlogger ang sinisisi imbes na kanyang sarili binastos ang solo parent na nais na makasiping tila para siyang praning eh, abogado pa man din parang may toyo sa utak nang-aapi't nanghahamak di batid ang Safe Space Act dapat kasuhan ang tunggak sino siya? Ian Sia? iyan siya, bastos siya! di dapat iboto Sia ng mamamayan, ng masa - gregoriovbituinjr. 04.15.2025 * litrato mula sa Philippine Star, Abril 14, 2025, p.C2