Posts

Showing posts from May, 2025

Garapalan sa halalan

Image
GARAPALAN SA HALALAN dalawang komiks istrip mula sa pahayagang kilala ng masa na naglalarawan sa halalan at sa kandidato't dinastiya sa kampanyahang garapalan na pawang magaling mag-analisa yaong sumulat at dibuhista hinggil sa parating na eleksyon di raw boboto sa magnanakaw kundi sa nagbigay ng ayuda pawang mga patama talaga sa pulitiko't sa pulitika kaya dapat nang may pagbabago upang magkaroon ng hustisya ang masa't mabago ang sistema - gregoriovbituinjr. 05.09.2025 * komiks na may petsang  Mayo 8, 2025  mula sa pahayagang Remate, p.3, at Bulgar, p,5