Posts

Showing posts from June, 2025

Ang payo ni Mang Nilo

Image
ANG PAYO NI MANG NILO minsan, sa komiks nagmumungkahi ng ideyang iyong mapupuri tulad kay Mang Nilo pag sinuri ang komiks na Bugoy ng may ngiti nang makabawas sa mga hikbi pinaksa niya'y riding-in-tandem na ginamit madalas sa krimen dalawang tao, pawang salarin isa, motor ay patatakbuhin isa pa, target ay babarilin payo ni Mang Nilo ay pakinggan ibahin daw ang disenyo naman ng motor, upuan ay iksian malaki ang gulong sa hulihan wala ring kaangkas sa likuran disenyong pang-isahan talaga na dinadaan lang sa patawa subalit nagmumungkahi siya sino ang makikinig sa kanya? nang riding-in-tandem, mawala na - gregoriovbituinjr. 06.10.2025 * komiks mula sa pahayagang Pang-Masa, Hunyo 10, 2025, p.7