DPWH - Departamento ng Puro Walang Hiya
DPWH - Departamento ng Puro Walang Hiya napakasakit na nilalamon tayo ng baha dahil sa Departamento ng Puro Walang Hiya ika nga ng mga napanood ko sa balita lalo't kabang bayan ay kinurakot ng kuhila naglitawan ang mga ghost project o guniguni gayong sa dokumento, may proyektong sinasabi ngunit wala, kinurakot ng mga walang silbi sa bayan, kundi sa kapitalista't pansarili kaya sa Barangay Mambubulgar , naging pulutan ang nangyayaring kabulukan sa mahal na bayan kontratista at kakuntsaba sa pamahalaan kung di pa nagbaha'y di pa maiimbestigahan kaya marapat lang tayong magalit at mainis sa mga ghost flood control project na galing sa buwis ng mamamayan, mga utak ay dapat matugis parusahan at ikulong ang sa bayan nanggahis - gregoriovbituinjr. 09.08.2025 * mga komiks mula sa pahayagang Bulgar, petsang Agosto 28, Setyembre 3, 5, at 7, 2025, at litrato mula sa Primetime Balita